Mga butingting at kalandian
Di ako makapakali.
Di ako mapalagay.
Di ako makatulog.
Teka huwag kang mag alala dehins ako natatae. Feeling ko lang i need to go somewhere. I wish si Darna ako, feeling Angel Locsin, sa haba ng buhok at laki ng boobs. Gusto kong mag bathing suit na pula at sumigaw ng D A R N A!
I want to fly! Pero ayokong mag drugs. Nah… never!
Wala lang gusto ko lang lumipad at mag shopping ng magshopping. Kaskasin ang credit card hanggang sasabihin ng cashier, “Ma’am do you have another credit card?” At syempre kailangan me ibang card ka para di ka mapahiya sa haba ng pila sa Shoe Mart! At opkors interkors dapat meron ka rin cash. Lets say around P10,000 pesoses kasi wiz credit card sa Greenhills at St Francis Square. Mahirap na Madame, baka maLuz valdez pa ang walang katapusang tawaran mo sa Gucci Bag na yan.
Masaya ang buhay kasi times 40 ang exchange ng dolyares ngayon at least kwarenta times ang mga butingting at kalandian na pwede kong bilhin. Kaya dahan dahan mapupuno na rin ang balikbayan box ko. Syempre pa i want to arrive in style. kaya Bumili ako ng new look ng balikbayan box, yung me cover. Yung sa balikbayan Gear cover lang P1,200+ na wala pang box yun. Ito naman sa Biyahero is balikbayan box cover and me box na rin mismo. O diba bongang bongga ang simpleng carton box na balikbayan box noon.
Free size?
Thats what i dont like shopping for clothes in the Manila. Juice me, My curvaceous body wont ever fit on a free size. Yes Mother Lily, im blessed and gifted kaya when the sales lady says, “Ma’am free size po yan di kasya sa inyo” Sisterhood gusto ko siyang patayin waaaaaaaaa Ouch na ouch ang feeling ko. Kasalanan ko ba if im big ang byutifool?
Pero mas nakakaloka yung sinabi ng isang sales girl, “Ma’am nasa 3rd floor po ang maternity section”
Hay naku makabili na nga ng Reductil at Xenical!
2 Comments, Comment or Ping
owen
hey ayeza, so nasa pinas ka?
i enjoyed reading this. musta ka na?
Apr 8th, 2008
ate sienna
mwahahha!!! natawa ako dun, ha. pareho tayo, sister, mereseng free size yan, hindi ko sya size. pero ang kakaloka, pagdating dito sa N. America, small size ako. kaloka, diba?
ganda naman ang template mo, ah! malinis… i like this. (hehehe, parang nakita ko nga ito somewhere eh. patok, diba?)
Apr 9th, 2008
Reply to “Mga butingting at kalandian”